Old Blog

Ang Kwento ng Aking Pagsisisi

Posted on: Disyembre 20, 2006

Paunawa: mahaba haba ang babasahing ito …

Madalas ang pagkakataon na hindi ko mapigilan ang sarili na husgahan ang mga tao sa aking paligid nangnaaayon sa aking panuntunan, tingin at paniniwala kahit na hindi ko sila lubos na kilala. Madalas din ang pagkakataon na nagkakamali ako sa paghuhusga ko sa kanila.

Ang sipi sa ibaba ay ang katha ng isang kaibigan na hindi ko inakalang marunong sumulat, magbahagi ng sensitibong karanasan at magsiwalat ng mga damdamin sa sulatin at sa personal na bahaginan:

Malakas ang kalabog. Bumibilis ito na tila naghahanda na itong sumabog sa loob ng ilang pang sandali. Tinatanong ko ang aking sarili … “bakit?” Wala sa aking isipang sagot na sumasagi maliban sa di mabilang na maling tugon sa tanong. Nangangamba ako. Natatakot akong isiping bibigay na ang puso ko. Nais ko itong bumagal sa pagtibok. Ibig ko itong pumintig muli nang normal. Nais kong maging matatag, ngunit paano? Nababagabag ako. Dama ko na sa bawat pagsubok kong pigilin ang aking hininga upang maibsan ang sakit, nadarama ko ang init sa aking dibdib. Hindi ito pagnanasa. Hindi ito isang makamundong pagnanasa. Hindi ito galit o kahit ano pang malapit na uri ng romansa o pagkahibang. Sa kauna-unahang pagkakataon, nag-aalab ang aking dibdib, hindi dahil sa aking nadarama, bagkus ay dahil sa isang pang dahilan … isang napaistupidong dahilan. Sinubukan kong wakasan ang aking buhay. Nagpapasalamat ako, gayumpaman, puno ng pagsisisi. Muli, inaantala ang aking isipan ng tanong … “bakit nga ba?”

Bakit ko nga ba ito nagawa? Ito ba ay dahil, iyon na lamang ang dahilan upang makatakas palabas sa sitwasyong iyon. Dahil ba ito sa kaniya? Akala ko, oo. Akala ko hindi na ako magigising isang araw na puno pa rin ng damdamin ng pag-iisa. Ang damdaming kumakain aking kaluluwa. Mas ninais kong pahirapan ang aking sarili kaysa harapin ang tahimik na pagpapahirap ng pag-iisa. Ang nakatatawa ay, ang dami ko nang ginawa para sa kaniya. Nagawa ko na nga na hindi mag-isip at hindi isa alang-alang ang aking kalusugan at pride, kahit na ang mga ito ay mapasama. Wala pa rin siyang pakialam. Kailan lamang ay naaalala ko pa na lagi ko siyang nasa tabi, nagsasabing mahal niya ako, at hiniling niyang banggitin ko na hindi ko siya iiwan, o di kaya ay kapaguran o pagsawaan. Sinabi pa niya na handa niya akong iligtas kahit pa katumbas nito ang pagsalo ng punglo (bullet), at ang lahat ng ito ay walang pagdududa. Ngunit nayon, sinambit niyang hindi siya seryoso na kahit ano pa sa mga iyon … sinungaling! … isang putang-inang sinungaling.

Sa iyong palagay, gaano ito kasakit. Gaano kasakit na malaman na ang nag-iisang taong minsan mong pinagkatiwalaan ay nagtaksil sa iyo. Gaano kasakit ang malaman na hindi na niya ibig pang makasama ka, at ang malaman na wala ka nang pagkakataon na makita siya o marinig siyang tumatawag sa iyong muli? Paano ko tatanggapin ang katotohanan na wala na siya kung mananatili akong nakalugmok sa estado ng pagkabigla — na siya ring dahil kung paanong hindi ko na mawari ang katotohanan sa aking sariling kahibangan. Ibinigay ko na ang aking sarili sa kaniya nang walang iniisip pang iba. Iniabot ko na ang mga bagay na hindi na niya kailangan pang hilingin. Sinabi niyang handa siyang tumanggap ng punglo para sa akin — talaga lang ha? Heto pa rin ako, nagpapakamatay na humiling sa kaniya na ako ay kaniyang pang hawakan … samahang minsan pa, upang madama ko lamang kahit katiting ang pagmamahal na sinabi niya ay mayroon pa ring natirira para sa akin. Ngunit hindi. Pinatay niya akong minsan pa, nang sabihin niyang ayaw na niyang magkaroon ng kaugnayan sa akin sa kahit ano pang paraan at bagay. Masakit! … gayumpaman, mahal ko pa rin siya.

Nadarama kong muli … ang mainit na pakiramdam, ang malakas, nakabibingi at abnormal na kalabog ng aking dibdib. Marahil ito ay dahil sa lason na ngayon ay kasama na ng aking dugong dumadaloy sa katawan. Hindi ako mapakaniwalang nilason ko ang aking katawan. Na nagtaksil ako sa aking sarili … inisip kong ito ay magiging madali at wala akong sakit na madarama. Ngunit ako ay mali. Ito ay napakatinding sakit at mas mabagal kaysa sa inaasahan. Ngunit … nais ko pa ring magpatuloy sa paglabas, hindi ko maaring hayaan ang aking katawan na bumigay dahil dito. Natatakot ako, ngunit hindi ako maaring humiling ng tulong. Ang paghingi ng tulong ay nangangahulugan na malalaman ng ibang tao ang aking ginawa. Nais kong manatiling lumalaban at hayaan na lamang na matunaw ang lason sa paglipas ng panahon.

Bula. Bula pa rin ang patuloy na lumalabas sa aking bibig. Hindi ko siya maisuka dahil nasa loob ako ngayon ng silid-aklatan at napalilibutan ng mga tao … ang paglunok ko naman nito ay nangangahulugan lamang na ibabalik ko sa aking katawan ang lason na pinipilit niyang isuka … hunghang pa rin akong nilunok ito. Ngayon, mas maraming pagsisisi ang nagpapakumplikado sa akin.

Karapat-dapat nga ba siyang pag aksayahan pa ng buhay? O ng kahit ano pang maari kong ialay sa kaniya? Sa kaniyang palagay ay hindi. Iniisip niyang sya lang ang gumawa sa akin ng ganito. Hindot na katangahan! Sa totoo lamang, para sa isang mag-aaral na may mataas na grado, hindi siya nag iisip! Hindi ko maisip na hindi niya ako pinaniniwalaan, na siya ay mahalaga sa akin. Putang ina naman! Sinubok ko nang kitilin ang aking buhay! Ano pa bang patunay ang kailangan niyang makita. Ilan pa bang patunay?

Nagsisisi ako na ginawa ko ang lahat, at inaamin kong wala na akong magagawa para dito. Hindi ko pa rin alam kung ano ang aking gagawin. Nangangamba akong matulog sa gabi, natatakot akong hindi na ako magigising. Hindi ko masisisi ang ito sa kaniya. Isa akong gago! pero, damn, damn, damn, damn … mahal ko pa rin siya!

Kinapa ko ang aking dibdib at bibigyan ko nang madiin na hawak upang ito ay kumalma. Sinutok-suntok ko ito sa ‘di ko malamang kung bakit ko nga ba ito ginagawa. At minsan pa, diniinan ko pa. Marahil ay dahil wala na akong iba pang maisip na solusyon… Walang ano ano, ay naramdaman ko na ang pagkalam ng aking sikmura. Putang ina! mas dumadami ang bulang umaangat at lumalabas sa aking labi. Walang pagpapasintabi kong itong idinura sa ilalim ng aking upuan. Haha! … ang babae na dalawang upuan ang layo sa akin ay binigyan ako ng “tingin” … Nginaratan (f*ck you, finger) ko siya, at tumayo siya palayo sa akin, marahil dahil sa daliri na aking pinakita sa kaniya, o dahil nadiri siya. Nakatutuwang isipin na dalawang sandali lamang ang nakalilipas nang kami pa ay nagtitinginan at nagngingitian sa isat isa. Wala na akong pakialam pa. Hindi ko intensyon na pahangain ang kahit na sino, at ang mga taong kilala ako ay alam na hindi ko iyon ugali. Ni hindi ko nga maiayos ang aking sarili. Tinubuan na ako ng mga buhok sa mukha sa mga lugar na hindi naman dapat kakikitaan ng mga ito. Suot suot na ang parehong damit sa loob ng tatlong araw, hindi ako kumakain ng tama o nageehersisyo sa loob ng ilang araw. Namamayat na ako at namumutla na tila isa na akong karakter mula sa “Living Dead” na pelikula. Ang totoo ay ang aking kondisyon ay patuloy na lumalala sa bawat segundo. Wala na akong lakas. Sumasakit ang aking ulo. Lumalabo ang aking paningin, at nag-uumpisa na akong magpawis na mas marami kumpara sa mga nakaraang araw. Bakit ko ga ba ginawa ang ito sa aking sarili. Ngayon, ay inaabot na ako ng ilang halos oras sa pagtitipa ng isang salita. Hindi ko pa gustong mamatay. Hindi pa ngayon. Malakas pa ako. Kaya ko ito. Ako si Superman … ngunit bakit kailangan pa niyang umalis. Maari naman sana namin itong ayusin. Bakit kailangan niya akong isuko. Pakiramdam ko ay naipagkanulo ako … ngunit … mahal ko pa rin siya.

Isang milyong beses siyang nagsinungaling sa akin, ngunit isang milyon at isang beses akong nagtiwala sa kaniya.

Isang milyon beses niyang dinurog ang puso ako, at isang milyong at issang beses pa rin akong nagsumikap na mabuo pa rin ang pagsasama at mapabalik sa piling niya.

Isang milyong beses niya akong pinagtabuyan at sa kaniya nito, hinabol ko pa rin siya.

Isang milyong beses na rin niya akong magpatuloy na lamang sa aking buhay, na kalimutan na lang siya, na mas marami pa akong ibang matinong bagay na magagawa. Ngunit gaya ng inaasahan, isang milyong at isang beses pa rin aong hindi nakinig.

Kung mababasa lamang ito ng iba, marahil sabihin nila na isa akong talunan, na wala akong respeto at pagmamahal sa aking sarili. Maging ang babaeng minahal ko ay nagsabi na nito sa akin, hindi man sa parehong dahilan at paraan, alam kong iyon din ang gusto niyang tukuyin … pero mahal ko pa rin. Hindi nila ako mauunawaan kung bakit ko ginawa ang mga bagay na ito. Pero ang totoo, ako man sa aking sarili ay hindi ko maintindihan. Hahah! Nakatatawa na nais kong maintindihan ako ng ibang tao gayong sa sarili ay hindi ko ito maunawaan. Para na akong isang impokrito.

That gil walks by me again ignoring me … I say “slut!” and she turns around pretending she did not know who said it. Naisip ko na napakasama ko at inisip kong humingi ng paumanhin.

(…) I just apologized and she did not say nothing just gave me that look again. She made me feel so awkward. So I walk away so tempted to turn around and cuss her out but I hold it in. Nagpatuloy ako sa paglakad. Kailangan ko nang ihinto ito. Kailangan kong pilitin ang aking sarili na “maramdamam” siya, na marinig ang kaniyang tinig sa aking isipin. Sa ganitong paraan lamang ako makauusad sa pagsisising ito.

Sinubukan mo na ang lahat nang masusubukan. Ibinigay mo na ang lahat hanggang sa wala na akong maibigay. Get over it and live your life! Hindi siya karapat dapat. Maniwala ka! Bigyan mo ang iyong sarili ng bagong buhay nang pangalawang pagkakataon para itama ang sarili. Ibig mo sa sarili mo ang pagkakataon na ito. Ang totoo, namumuhi ako sa babaeng ito.

Mula ngayon, itatarak ko na sa aking kukote ang pag-iwas sa panghuhusga. Ang pag-iwas na marahil ay kailangan ding gawin ng iba, nang nakararami.

Gayumpaman, gaya ng aking sinasabi, ito po ay sa wari ko lamang!

Paunawa na ito ay literal na salin ng original na katha, na hindi ko na kailan man maisusulat sa kahanlintulad na paraan at kapanahunan. Naniniwala ako, na hindi rin niya ito maisusulat sa parehong estado, ngunit akin din ang paniniwala na maari pa niya itong higitan. Lubos ang aking pagsisikap na maisalin ito, nang walang pagbabago, dagdag man o bawas, maliban na lamang sa ilang balarila (grammar). Ang kabuuan ng karapatan-ari ay nasa kaniya pa ring pangalan, Mr. Ezekiel.

(Paumanhin sa maling mga baybay (spelling))

23 Tugon to "Ang Kwento ng Aking Pagsisisi"

hmmmnn tinawag nyang slut yung babae, tyak ko na kung bakit sya iniwan nito..bakit hindi kaya sya magtanong sa sarili nya ng maunawaan nya ang sitwasyon para hindi sya magpalamon sa subjective na emosyon na nararamdaman nya, para makalaya sya.

sa tanong mo sa akin kung kaya ko itong tapusin..natapos ko ang mahaba-habang litanya ng pagkabalisa at maaring magtungo sa pagkabaliw…

pero hindi katulad nya, hindi ko kayang tapusin ang napakagandang buhay na mayroon ako dahil lang sa “pagtinging binalewala ng maari nyang masabing walang kwentang babae”.

kung sa pagtingin ko ay winalang-hiya ako ng babae, alam kong in time mayroon pang isang babae para sa akin at kung sa tingin ko naman ay bigla akong iniwan ng babae, maaring may mali sa akin at hahanapin ko kung ano ang mali na iyon.

pwede mong palitan ang babae ng lalaki kung gusto mo :)

Wow, ang tyaga mo talaga magbasa Melai! Sa kabilang banda, hindi ko siya huhusgahan sa ikinilos niya, dahil hindi ko alam kung maggawa ko ito … kung mangyari man ang nangyari sa kaniya, sa akin.

Salamat sa pagbisita

lol! kailangan e sa ganito ako natututo na magbasa :)
parang pagdidisiplina sa sarili kasi madalas hindi talaga ako matyagang magbasa (sana nagets mo :)) ..walang karapatan ang bawat isang humusga ang responsibilidad nya lang ay ang magbigay ng advise kung kinakailangan at kung hinihingi ng taong nangangailangan nito.

Parang nagpapahabaan din tayo ng comment dito. At parang tayo lang yata ang nagbabasa sa mga sinusulat ko dito. :P

hehehehe, hindi no ayan o may 178 hits ka :) mga sampu dyan ang nagbasa lol!

nagbasa o dumaan?

sometime life is really a pain, no need to stay on that situatin that you know that you’ll be hurt, frankly telling you can admit it or not, you still love that woman and not hate what you have written on the last line. Well it’s up to you where you will look on it, well do hate her for letting you feel like that or hate her for reason that she was still have space in your heart and still remember how things happend?, I can say that on every action there will always be corresponding reaction on it, its eighter you learn a lesson not to love too much if your not yet ready to settle down, or it will always be that you learn to know how to move on a situation you thought you have just been stuck and bubles just flowing on your mouth,,,, hehehhe. i know that it hurts, and it’s a crazy things you have done that but i undesrstand,,, MAY TOPAK KALANG THAT TIME,,, HEHEHEHE LA KWENTA COMMENT KO DIBA?

Thanks for stopping …

whew.. haba.. ;) musta chico?

Nagbabasa ka rin pala dito :P

hmmmmmmm!maganda siya kaya lang parang ang pangit pakinggan!!

wag mo sanang laitin ang mga babae noh

Thanks, charmaine for visiting.

HI i`m tracy!!!! musta ka?

I am ok, thansk for asking

ang haba naman……..

please pwedwe ko bang malaman ang dasal para sa pagsisisi,pls poh prokect kc ng sis do……tnx poh…..

cencia n mali mga sabi ko kc burado na nag mga letters ng keyboard….project ng sis ko un.kelangan lng poh,ung dasal ng pagsisisi plz. reply poh kau,tnx……….

I like the story! But naiinis ako sa bida. napakacoward nya and very weak. We need to be strong to survive. That is applicable in all walks of life. But happy that there still people who love baduy stories! hehehehe Keep it up… I had enjoyed the story much…

btw, rose that story is a real life story. :P

Thanks for visiting!

yeah i know… too bad that it is a true story and im afraid na baka magaya ako sa kanya! hehehehe wish ko lang hindi! no one could ever tell, life is very uncertain… am i correct?

Yes. You are.

[...] ako fan nito, pero ngayon, nakikisali ako! APRIL: Active and dynamic. Decisive and hasty but tends to regret. Attractive and affectionate to oneself. Strong mentality. Loves attention. Diplomatic. Consoling, [...]

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

I Will Check Your Blog!

Days of Our Lives

Disyembre 2006
L M M H B S L
« Nob   Ene »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Salamat sa Pagdating

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: