Old Blog

Tula: Kahirapan, Kaninong Kasalanan?

Posted on: Nobyembre 16, 2007

Inspiration:gloria macapagal arroyo

But poverty is not caused by government alone. That’s too simplistic. In the last two months, I have been shuttling to Negros to help a non-government organization that is doing successful work in poverty alleviation through micro financing. Their data says that poverty is also a result of our colonial history, our inequitable power structures, our political system, natural factors such as environmental degradation, even social inequalities. — Bong Austero, Reflection of Suicide

Isang buhay na sisilip pa lamang
sa katanghalian ay nahagkan
ng gutom, dusa at iba pang dahilan,
kamatayan, sa huli ang pinagnilayan
lubid sa kisame ang pinagdulugan.

Ang mga malilinis at walang sala
Nagsalitana’t kapagdaka
Nagturo na at nagbabala pa
Mauulit pa ito, manalig ka.

At dahil walang dungis ang kamay
at ang mukha’y walang mumong masulyapan
naghanap na sila, ng turo ay paglalaanan.
Ang pamahalaan ang inuna sa listahan.

Kahit pa ang kahirapan
ay kalansay ng dating pagiging kolonya,
Sa namumuno sinisi ang hatol ng buo.

Kahit na sa istruktura
ng kapangyarihan, ang nagpangyari
ng bangungot, isini ito ng walang bawas
sa kung sino ang taas.

Kahit na ang kamay ng Diyos
ang minsan tumadhana,
ng bagyo, lindol at pagguho ng tahimik
na kabundukan, na nagbayo ng palay ng kahirapan,
sino ang sinisi sa tutong na hapunan?
Walang iba, walang iba, ang pamahalaan ang
animong kalan.

At kahit na ang kahirapan
ay ihip ng hangin ng di pangkakapantay pantay,
ano ba naman ang nalalaman nilang
may malilinis na salawal at saya,
Ang gobyerno lamang ang hubad na may sala.

At dahil ang, ang gobyerno ay tatatlong kulayin,
Ang sinisisi, naninisi at walang pakialaman,
Mararapat na siguro sa pangulo na lamang
isisi ang lahat,
Kaniyan man o hindi ang buong sala,
siya na rin, siya rin, ang buong buong ating sisihin.

___
Hanggang sa muli, maghuhugas kamay na muna akong muli.

Blame

6 Tugon to "Tula: Kahirapan, Kaninong Kasalanan?"

…mag bigay poh kau ng halimbawa ng tula tungkol sa kahirapan

nakatulong po ng sobra .. salamat po!

Pwede po mahiram?? ang galing galing!!! AMAZING!! para lng sa project namin….. :D

tula po para sa pamahalaan

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

I Will Check Your Blog!

Days of Our Lives

Nobyembre 2007
L M M H B S L
« Okt   Dis »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

Salamat sa Pagdating

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: