Ipinaskil ni: Chico noong: Setyembre 16, 2008
Piniga’t nilumpo ang laman at buto,
ng diwang naghahanda sa hindi pa man,
pinaglamayan ang gabi ng pag-iisip ng mga pangalan,Minadali ang panahon sa panaginip at pangarap
Upang mahagkan, at makalinga ang bunga
ng pagmamahalan.Nakapagtatampo minsan ang langit at bait,
larawan ng gatas na anong tamis,
bakit sa lalamunan at pagtanggap
ngayon apdong pait.Paglusob sa pagsubok
kung paano’y palaisipan!
Anong binti ang ihahakbang,
anong dasal ang iuusal?Anu’t ano man, isa lamang yaring hiling
ipaghele mo na lamang
at sila ay pagpalain.
Nakikiramay ako. Nawa ay matagpuan mo ang dahilan ng tadhana, at makakalap ka ng lakas ng loob upang harapin ang mga susunod pang mga gabi’t araw.
Hiling ko ang kalusugan ng iyong minamahal at sarili.
nakakatuwa dahil kahit hindi ko kakilala sa blogging world ay nalalaman ko na lang na concerned sa amin. maraming salamat sa tula mo parekoy. =D
Setyembre 16, 2008 Sa 11:02 hapon
Amang, galing mo talaga sa paggawa ng TULA. Talagang nanunuot ang iyong mga salita.
Salamat sa pakikiramay in behalf of RJ kahit hindi nya talaga tayo kilala personally.